May kontraktwal pala sa pag-ibig

Graduate na from all the failures and heartaches si ate gurl, kaya feeling fresh grad ang gaga. Okay lang naman. Deserve niya ito. Buong puso niyang binuo ang kaniyang sarili ng ilang taon. Hindi naging madali pero kinaya. Kaya naman ngayon, sobrang handa na siya na kapag tinanong siya ni Korina Sanchez, ka-cartwheels pa ito sabay split at sigaw, “REAAAADEEHHHH!!”

Overflowing ang baso ng happiness ni ate gurl. Kaya naman nakakapagliwaliw ito. Nakakalipad kasama ang kaniyang team sa mga lugar na ‘di pa niya napupuntahan. Kontrolado niya ang lahat. Ganda siya, ih. Kaso, ‘di umano, sa gitna nang pagsasaya ni ate gurl, dumating si koya bhoy.

Si koya bhoy. Hmm, pasok na pasok sa pettern (yes, pettern para maarte) ni ate gurl. Marami itong na-tick off sa listahan ng pihikang ate gurl: Cutie. Funny. Artsy. Ganda ng taste sa music. Adventurous. May pagka-spontaneous. Foodie. Mukhang deep. Mukhang may dignidad naman. Saka loves si mama niya. Si koya bhoy ay isang depinisyon ng decent job para kay ate gurl. Hindi siya ‘yung dream job, pero na-appreciate niya ito ng sobra.

Naging good friends sila na may bonggang adventures. Talaga nga namang one for the books. Kaya naman trineasure niya ito ng sobra. Maraming first time experiences si ate gurl kasama si koya bhoy.

Dahil sa experiences nila together, nakilala ni ate gurl nang lubusan si koya bhoy. Si koya bhoy, na sa kabila ng dami na na-tick off na list kay ate gurl ay para palang pelikulang maraming plot holes. Pero wapakels si bakla. Fixer, eh. Bet niyang ma-promote kay koya bhoy kaya naman nag-invest ito.

Nag-invest siya hanggang sa ma-realize niya na parang naba-bankrupt na siya, emotionally. Invest siya nang invest without thinking kung worthy ba. Invest siya nang invest ng feelings sa taong wala namang planong mag-invest pala ng feelings sa kanya. Aba’y kung ‘di ba naman gago si koya bhoy para magpa-fall at gaga naman si ate gurl para ma-fall.

Dahil dito, nag-AWOL si ate gurl. Ramdam niya na nauubos na siya, kaya kailangan muna niyang magpahinga. Hinga. Hinga. Hinga. Wala naman din siyang narinig kay koya bhoy na pagtataka or kahit pagtatanong sa kaniyang biglaang pag-AWOL. Okay, kokey. Wala siyang pakealam. Nagiging okay na rin naman si ate gurl. Pero nagbalik si koya bhoy, sinabi ang mga salitang gustong marinig ni ate gurl dati pa. Ganda ng job offer. Kaya naman kahit may trust issues pa siya, hala sige, marupok, tinanggap ulit. Ganoon naman kapag mahal mo, hindi ba?

Akala ni ate gurl, magiging oks na lahat dahil meron naman siyang panghahawakan kahit papaano. Mutual naman daw sila sabi ni koya bhoy. Kaso, may budol din pala sa pag-ibig.

Akala niya sa working life lang uso ang kontraktwalisasyon.

Kaso marami talagang namamatay sa maling akala. Pati pala sa pag-ibig may kontraktwalisasyon. Kaya itong nabiting pag-ibig ni ate gurl na pinagtuunan niya nang buong atensyon at nag-allocate pa ng ‘budget for harowt 2018’ ay pang-contractual lang pala. From June to December lang. Hindi pwedeng ma-regular.

Na-realize ni ate gurl na hindi ito ang gusto niya. Lalong lalo, hindi ito ang deserve niya. Masyado siyang awesome, kind, funny, witty, and caring (buhat bangko pa, sigi!) para ma-tekken 4….granted lang. At lalong hindi naman siya grumaduate ng nursing or medicine para gamutin ang taong ayaw namang hilumin ang sarili, nandamay pa.

Mga ilang buwan ding tumambay sa kalungkutan si ate gurl, ‘di healthy sa utak. Ubos kung ubos. Said na, sinaid pa. Nako, buti na lang may besties siya at may OPM bands na nakikipagkwentuhan gamit ang mga musika tuwing mapanglaw ang bawat gabi.

Kaya naman bitbit ang mga ngiti nung day 1, baby steps, humahakbang na muli si ate gurl. Hindi niya deserve ang pag-ibig na confusing. Hindi niya deserve ang taong hindi alam kung ano ang gusto niya.

Mailalagay naman ni ate gurl sa resume ang experience na ito. Marami siyang natutunan, at mas minahal niya ang sarili niya dahil dito.

Kaya naman ngayon, with hair flips na pang-2019, nag-resign na si ate gurl sa lahat ng bagay, tao, pangyayari na uncertain. Nag-resign na siya kay koya bhoy. Hangad pa rin naman ni ate gurl ang the best para kay koya bhoy, lalo na ang pag-heal nito, like, pharang, she’s been there din nemern, soooo. Pero tama na ‘yun, ‘di na siya babalik. In the first place naman kase, hindi naman dapat siya ang nag-apply. Siya dapat ang employer. Siya dapat ang kompanya.

Advertisements

2 thoughts on “May kontraktwal pala sa pag-ibig”

  1. Oh my gulay I love this! Ang ganda! Napanindigan talaga ang labor relations at career mobility bilang metaphors! Contractualization in place of ghosting?? Damn, Henry Sy is shookt! Ganda! Sana maghilom na nang tuluyan ang puso ni ate gurl. Virtual yakap sa kanya! ā¤

    Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s