Sabi nga nila, madalas na mapaglaro ang langit

Nakakatamad bumaba sa isang bus na punong-puno na lalong-lalo na kapag nasa may bandang dulo ka nakapuwesto. Ganoon ang senaryo namin ng kapatid ko kagabi habang binabagtas ang daan pauwi sa isa pa naming tahanan sa gawing Norte. Plano na naming bumaba sana sa may Baclaran pero nagkatamaran na nga kaya’t sabi ko, sa Heritage na lang kapag marami nang bababa, pero nag-fly over ang bus, pa-Lawton pala siya. Edi wow.

Okay lang naman, para naman may maiba. Sabi ng kapatid ko, first time raw niyang madaanan ang ruta na ‘yon. Masaya ako para sa kanya, pero ako? Medyo kinakabahan dahil ‘yung rutang ‘yon ay punong-puno ng mga ala-alang puro saya lang dapat sana, pero ngayon ay masakit na. Hehe. Pero may mga bagay talagang mangyayari na hindi mo inaasahan no? Alam mo ‘yun? Nung gabing ‘yon, handang handa na akong maging masokista at alalahanin, titigan, at damhin lahat ng ala-alang hatid ng daang iyon, pero sa loob nang mahabang panahon, pakiramdam ko’y ipinagtanggol ako ng uniberso laban sa sarili ko.

Handa ko na sanang titigan ‘yung CCP. Itinuro ko pa iyon sa kapatid ko kahit na nasa kaliwang bahagi ito at nakaupo kami sa may kanan. Unti-unti nang pumapasok ang mga memorya nang biglang may humarang sa tanawin namin na ten-wheeler truck. As in tinakpan ang buong view ng CCP. Nahinto ang pagdaloy ng mga ala-ala. Nagkaroon ng mabigat na daloy ng trapiko. Dahil matagal pang nanatili ang truck bilang pangharang, ibinaling ko na lang sa sariling bintana ang paningin.
Tumingala ako at doon ako nagising sa katotohanan.

Sobrang ganda ng Maynila sa mga mata ko kagabi. Parang may mahika. Kahit na naghari na ang kadiliman ay maliwanag pa rin ang langit. Kitang-kita ko pa rin ang mga ulap at saka ang mga bituin. Ang bawat ilaw sa daan ay parang haplos sa aking puso. Ang mga taong naglalakad ay mumunting paalala na hindi lang ang kinikilala kong mundo ang buong mundo at kailangan kong tanggapin ito. Siguro, napagtawanan na ako ng ibang nakakita sa akin sa labas ng bus dahil halos nakanganga na ata ako sa pagkamangha at nangingiti na ring parang tanga. Sabi ko pa nga sa kapatid ko, “Sobrang ganda ng Maynila, no?” Natatawa naman itong sumang ayon sa akin.

Bumaba kami sa United Nations Avenue. Nagdagdag din kami ng bayad sa pamasahe dahil nga lumagpas kami sa hangganan ng binayad namin. Pagkababang-pagkababa namin ay ito agad ang naging usapan namin ng kapatid ko:

“Aaaah! Kinikilig ako!”

“Bakit?”

“Sobrang ganda ng Maynila tuwing gabi!”

“Kahit na madilim itong nilalakaran natin?”

“Ahh, basta! Kinikilig ako. Gutom ka na ba? Tara sa Subway!”

At kumain nga kami sa Subway. First time ng kapatid kong kumain doon. Ako naman, doon ang unang Subway store na nakainan ko kaya’t espesyal din ito sa akin.

Akala ko talaga, malulungkot ako kagabi. Pero sabi nga nila, madalas na mapaglaro ang langit. Payakap nga.

Advertisements

3 thoughts on “Sabi nga nila, madalas na mapaglaro ang langit”

  1. Grabe. Napaka-husay mo magsulat. Hindi ko ata kaya yung full-on Filipino language. I can relate dun sa pakiramdam na babalik ka ulit sa isang lugar na marami kang memories na hindi mo alam kung gusto mo ba alalahanin o patuloy na lang na kalimutan. Dati, parang sumasakit yung puso ko tuwing dadaan sa certain station yung MRT. Haha. Parang ewan. Pero masaya ako na naka-recover na ako dun.

    Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s